Tuesday 30th May, 2017
filipino-news-dole-nagbabala-vs-illegal-recruiter-sa-japan
MANILA, Feb. 18 -Nagbabala sa publiko ang Department of Labor and Employment (DOLE), partikular sa mga Pilipinong nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa, sa hindi otorisadong pag-recruit ng mga caregiver na mamamasukan sa bansang Japan.

Batay sa abiso, sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang 2016 Technical Training Act of Japan na nagbibigay oportunidad sa mga caregiver na mamasukan sa ilalim ng technical intern training program ay hindi pa lubos na ipinatutupad.

Pinaalalahan ng POEA Advisory ang mga recruitment agency sa bansa na ang mga tatanggap ng mga overseas Filipino workers para sa Japan ay isang paglabag sa panuntunan at regulasyon ng kasunduan.

Sinabi naman ni Undersecretary Dominador R. Say, na OIC administrator ng POEA, sa inilabas nitong memorandum circular, na binibigyang abiso lahat ng lisensyadong recruitment agency sa bansa na huwag munang tumanggap ng mga caregiver maging ang manpower pooling para sa Japan, dahil hindi pa aniya tuluyang naipapatupad ang kasunduan ng Pilipinas at Japan.

Ang 2016 Technical Intern Training Act ng Japan, na kinabibilangan ng mga caregiver bilang kuwalipikadong trabahong maaaring pasukan sa ilalim ng Technical Intern Training Program, ay hindi pa tuluyang naipatutupad ngunit inaasahang matatapos na ito sa taong kasalukuyan, ayon sa memorandum circular.

Upang maisakatuparan ang kasunduan, ang programa ay nangangailangan ng pagpirma ng memorandum of cooperation sa pagitan ng justice, health, labor, at foreign authority sa Japan at sa ibang bansa na nais magpadala ng mga technical intern.

Hinihikayat naman ng POEA ang publiko na i-report ang anumang iligal na aktibidad ng recruitment sa mga hotline number nito na 722-11-44 / 722-11-55.

Muli namang nagpaalala at pinaiiwas ng POEA ang publiko kaugnay sa pag-aplay sa mga hindi lisensyadong recruitment agency maging ang pakikipagtransaksyon sa mga taong hindi naman otorisado ng mga lisensyadong agency.

Pinag-iingat na rin ang mga naghahanap ng trabaho na iwasang makipagtransaksyon sa labas ng mga nakarehistrong opisina ng mga agency. Sa panahon naman na ang recruitment ay isinagawa sa probinsya, siguruhin kung ang mga agency ay may provincial recruitment authority.

Hindi rin dapat basta basta naniniwala ang publiko sa mga pangako ng mga training center at travel agency nang siguradong trabaho sa ibang bansa. (DOLE)

More Manila News

Access More
Loading data...
{{item.TITLE}}

{{item.DATE}}

{{item.TITLE}}

{{item.DATE}}

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!