Tuesday 12th December, 2017
26.9
26 ℃ | 29 ℃Manila
tagalog--ika-10-anibersaryo-ng-ormin-provincial-blood-council-ipinagdiwang
Isang myembro ng Philippine National Police (PNP)-Oriental Mindoro ang boluntaryong nag-alay ng dugo sa naganap na blood donation activity kamakailan sa lalawigan sa pangunguna ng Oriental Mindoro Blood Council (OMBC) kaugnay ng ika-10 anibersaryo nito na may temang, "Give blood, Give now, Give often." (CPRSD)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis 1 (PIA) - Ginanap kamakailan ang ika-10 Anibersaryo ng Oriental Mindoro Blood Council (OMBC) na may temang "Give blood, Give now, Give often" sa Oriental Mindoro Provincial Hospital kaalinsabay ang pagkilala sa mga taong nagkaroon ng malaking ambag sa organisasyon.

Dinaluhan ang naturang okasyon ng ilan sa mga prominenteng tao sa lalawigan gaya nina Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na siya ring chairperson ng organisasyon at si OIC-Provincial Administrator Dr. Romeo G. Infantado na isa sa mga nagtaguyod ng Blood Council.

Kabilang din sa dumalo si Chief of Hospital Dr. Marpheo Marasigan na isa sa mga nangasiwa ng naturang okasyon at ang ilan sa mga Mayor at Vice Mayors mula sa iba't ibang bayan.

Ayon sa gobernador, sa nakalipas na 10 taon pagkatapos maitatag ang OMBC, hindi maipagkakaila na lumaki at dumami ang bilang ng mga myembro at mga nais tumulong sa organisasyon sa pangunguna noon ni Dr. Infantado.

Dagdag pa ng gobernador, problema ng mga nakaraang taon ang pagbibigay ng dugo sa mga pasyenteng nangangailangan nito kung kaya't ganoon kalaki ang tulong ng organisasyon sa pagbibigay ng sapat na suplay ng dugo sa lalawigan. Dagdag pa niya, ginagawa nang modelo ng iba pang mga ospital sa bansa ang mga best practice sa lalawigan kung kaya't napakalaking tagumpay ito para sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Nagbigay naman ng ilang mahahalagang updates si Dr. Marasigan hinggil sa estado sa kasalukuyang organisasyon. Binigyan din niya ng pansin ang ilan sa mga naging gawain ng grupo hinggil sa pagsusulong ng kalusugan sa lalawigan.

Pasasalamat naman ang hatid ni OMBC Head Dr. Jose Leviste sa mga naging kabahagi ng organisasyon sa nakalipas na 10 taon nang paglilingkod nito sa mga Mindoreno.

Binigyan naman ng mga parangal ang ibat' ibang munisipyo na naging kabahagi ng Oriental Mindoro Blood Council sa pangangalap ng dugo mula sa kani-kanilang mga bayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

More Manila News

Access More
Loading data...
{{item.TITLE}}

{{item.SOURCE}}

Manila News.Net

{{item.TITLE}}

{{item.SOURCE}}

Manila News.Net

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!