Mon, 23 Sep 2019

Satellite Voters' Registration, gaganapin sa Marikina

Philippine Information Agency
22 Aug 2019, 16:38 GMT+10

MARIKINA CITY, Agosto 22 (PIA)--Magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) Marikina ng satellite voters' registration para sa mga kababaihan sa Huwebes, Agosto 22, 2019 sa Marikina City Hall mula 9:00AM hanggang 4:00PM, bilang bahagi ng nationwide voters' registration.

Sa gaganaping aktibidad, bibigyang pagkakataon ang mga kababaihan sa Marikina na makapagrehistro upang makaboto sa nakatakdang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa darating na Mayo 2020.

Maaaring magparehistro ay ang mga sumusunod:

* mga kababaihan may edad na 15 years old at pataas na hindi pa kailanman nagpaparehistro sa COMELEC;

* mga rehistradong botante na nais magpa-reactivate ng kanila voter's status;

* mga nais magpalipat ng kanilang voter's registration record mula sa ibang barangay, lungsod o munisipalidad; at

* may mga impormasyon na kailangan baguhin sa kanilang voter's registration record.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa tanggapan ng COMELEC Marikina sa telepono bilang 646-1665. (PIA InfoComm/Comelec Marikina)

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!