Tue, 17 Sep 2019

Tagalog News: Diwa ng 'Bahay Kubo' buhay na buhay sa Bulacan

Philippine Information Agency
11 Sep 2019, 22:38 GMT+10

Ipinagmamalaki nina Provincial Agriculturist Gloria Carillo (kanan) at mga maggugulay ng bayan ng San Rafael ang mga ani nilang mais, pechay, sigarilyas at puso ng saging, na tampok sa Bahay Kubo-Bahay Gulay na bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2019.(Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG MALOLOS, Setyembre 11 (PIA) -- Buhay na buhay pa ang diwa ng "Bahay Kubo" sa Bulacan sa kabila ng patuloy na pagsulong ng industriyalisasyon sa lalawigan.

Iyan ang pinatunayan ng Provincial Agriculture Office o PAO sa binuksang Bahay Kubo-Bahay Gulay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2019.

Ayon kay PAO Head Gloria Carillo, layunin ng proyektong ito na hindi lamang basta magtinda ng mga abot-kayang halaga na sari-saring mga sariwang gulay kundi pagpapatunay din na nananatiling vegetable basket ng Gitnang Luzon ang Bulacan.

Sa datos ng PAO at ng Department of Agriculture o DA, 60 porsyento ng suplay ng mga gulay sa Metro Manila ay nagmumula sa Bulacan partikular na sa bayan ng San Ildefonso.

Kaugnay nito, ibinalita ni Net Caguingin ng PAO na mula nang makapagkaloob ng mga ayudang pinansiyal ang pamahalaang panlalawigan sa mga maggugulay noong mga nakalipas na taon, matagumpay itong napaikot sa pagpapalakas ng ani at kita ng mga maggugulay.

Sa kasalukuyan, patuloy sa pagkakaloob ng mga certified seeds ang DA sa PAO upang ipamahagi sa mga kooperatiba ng mga maggugulay. (CLJD/SFV-PIA 3)

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!