Thu, 24 Oct 2019

LGU mahigpit ang pagbabantay sa Marikina River

Philippine Information Agency
17 Sep 2019, 18:38 GMT+10

MARIKINA CITY, Setyembre 17 (PIA) - Mahigpit na binabantayan ng pamahalaang lungsod ang Marikina River matapos ang insidente ng paglutang ng mga patay na baboy dito kamakailan.

Tinatayang 56 na patay na mga baboy na hinihinalang namatay dahil sa African Swine Fever (ASF) ang itinapon sa ilog.

Personal na nag inspeksyon sa Marikina River si Mayor Marcy Teodoro at nagsabing kailangan may managot sa nangyaring pagtatapon ng mga patay na baboy dahil ito ay isang malinaw na paglabag sa Philippine Clean Water Act of 2004 o Republic Act No. 9275 na naglalayong protektahan ang mga anyong tubig sa bansa mula sa polusyon na galing sa mga land-based resources.

Pansamantala din ipinagbawal ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang pangingisda at iba pang aktibidad sa paligid ng Marikina River.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga tauhan ng City Veterinary Office at Marikina Rescue 161 ang pangyayari at kung saan nagmula ang mga baboy. H

Humingi din ng tulong si Teodoro ang Department of Agriculture (DA) upang magsagawa ng imbestigasyon at papanagutin ang mga taong responsable sa pangyayari, gayundin, ipinasuri ng pamahalaang lungsod ang sample ng tubig sa ilog upang tukuyin malaman kung ito kontaminado ng virus o bacteria na kaugnay ng ASF.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na walang direktang epekto ang ASF sa mga tao. Gayunpaman, mariing iminungkahi na tiyakin ng mga mamimili na mayroong Meat Inspection Certificate ang karne ng baboy nilang binibili upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Ang ASF ay isang malubhang sakit na nakakaapekto sa mga alagang baboy.

Tiniyak ng pamahalaang lungsod na mas paiigtingin pa nila ang pagbabantay sa Marikina River upang hindi na maulit ang pagtatapon ng patay na baboy dito. (PIA InfoComm/Marikina City)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!