Tue, 22 Oct 2019

Mga botante sa Makati, hinikayat magparehistro

Philippine Information Agency
23 Sep 2019, 16:38 GMT+10

MAKATI CITY, Set. 23 (PIA) -- Muling nanawagan ang Pamahalaang Lungsod na Makati sa mga residente na magparehistro upang makaboto sa mga susunod na eleksyon.

Paalala ng lokal na pamahalaan, ang COMELEC Voters' Registration ay hanggang sa Setyembre 30, 2019 lamang.

Para magparehistro, dalhin lamang ang mga sumusunod sa Comelec Makati Office sa F. Zobel St., Brgy. Poblacion (sa likod ng Makati City Hall), lunes hanggang sabado, 8:00 am-5PM:

* Kahit anong valid government ID na nagpapakita ng inyong address sa Makati.

* Para sa mga minors: Photocopy ng birth certificate at student ID na nagpapakita ng inyong address sa Makati.

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa 843-7268 para sa District I at sa 844-3155 para naman sa District II. (PIA-NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!