Sun, 15 Dec 2019

Libreng sapatos sa mga guro, handog ng Marikina

Philippine Information Agency
18 Nov 2019, 18:38 GMT+10

LUNGSOD MARIKINA, Nob. 18 (PIA) -- Bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng ating mga guro, binigyan kamakailan ng pamahalaang lungsod ang kanilang mga guro ng mga libreng sapatos na tatak Marikina.

Sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro, kinilala ng punong lungsod ang mga guro bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral.

"Napakahalaga nila sapagkat sila ang tumatayong ama't ina sa ating mga anak sa loob ng paaralan," ayon kay Mayor Marcy.

Batay sa datos ng Department of Education-Marikina, umaabot sa 2,846 ang bilang ng mga teaching at non-teaching personnel ng lungsod para sa elementary at high school levels.

Samantala, ang 165 naman na bilang ng mga school personnel ay makakatanggap rin ng black leather shoes bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod.

Matatandaan na kilala ang Marikina sa paggawa ng matitibay at magagandang uri ng sapatos na ibinibenta sa mababang halaga. (PIA NCR)

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!