Sat, 08 Aug 2020

Tagalog News: 23 barangay, 1 bayan sa Palawan, malinis na sa droga

Philippine Information Agency
05 Dec 2019, 22:38 GMT+10

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 5 (PIA) --- Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Operation (ROCBDCO) ang 23 barangay sa Palawan bilang drug-cleared kamakailan.

Makaraan ang balidasyon sa mga ito, pinatunayan na ang tatlong barangay sa Aborlan partikular ang Magbabadil, Cabigaan, San Juan; tatlong barangay sa Balabac na kinabibilangan ng Poblacion, Poblacion 4, at Poblacion 5; tatlo sa Bataraza - mga barangay ng Tabud, Buliluyan, at Malitub; dalawa sa El Nido - Manlag at Sibaltan; Mga barangay ng Culasian, Latud, at Panalingaan sa Rizal; Caguisan at batang-Batang sa Narra, Port Barton sa San Vicente, at mga barangay ng Abongan, Alacalian, Bato, Cataban at New Guinlo sa Taytay, at Barangay Poblacion sa Araceli ay wala nang operasyon o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang nabanggit na bilang ay karagdagan sa 183 na mga barangay na nauna nang naideklara ng ROCBDCO noong nakalipas na buwan.

Matapos namang dumaan sa balidasyon ang Barangay Port Barton at napagtibay nang malinis sa iligal na droga, idineklara na rin ng komite ang bayan ng San Vicente bilang drug-cleared.

Natatanging munisipyo ito na nadagdag sa nauna nang 12 bayan na nai-deklara sa Palawan na kinabibilangan ng Agutaya, Araceli, Busuanga, Cagayancillo, Cuyo, Dumaran, Sofronio Espanola, Kalayaan, Linapacan, Magsaysay, Quezon, at Roxas.

Samantala, hangad naman ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (BADAC), ayon kay Gobernador Jose Chaves Alvarez na madaragdagan pa ang mga munisipyo sa Palawan na malilinis sa operasyon ng ipinagbabawal na droga. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!