Sun, 23 Feb 2020

NDRRMC : Mga pamilyang apektado ng bulkang Taal, umakyat sa 53,716

Philippine Information Agency
21 Jan 2020, 00:38 GMT+10

BATANGAS CITY - Umabot na sa 53,716 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ito ay katumbas ng 215,773 na indibidwal na pansamantalang tumutuloy sa 416 evacuation centers sa Batangas at mga karatig bayan nito.

Batay sa pinakahuling tala ng NDRRMC, mahigit 17,505 pamilya sa mga ito o 69,304 na indibidwal ay pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.

Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga apektadong residente mula ay ang patuloy na pagtaas din ng mga pangangailangan ng mga ito.

Ayon sa NDRRMC, tinatayang P17,227,950.61 milyon na ang halaga ng ayuda ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health at ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya partikular na sa Batangas at Cavite.

Samantala, hinimok naman ng DSWD Region IV-A ang mga apektadong residente na pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak na magpatala sa Municipal Social Welfare and Development Office ng upang mabigyan ng tulong.

Sa ngayon, mahigpit pa ring ipinapatupad ang total lockdown sa limang bayan sa paligid ng Bulkang Taal dahil pa rin sa aktibidad nito. Kabilang sa mga ito ang mga bayan ng Agoncillo, Balete, Sta. Teresita, Talisay, at San Nicolas.

Tatlong bayan naman kabilang ang Lemery, Laurel, at Taal ang isinailim sa partial lockdown. (PIA4A/NDRRMC)

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!