Thu, 02 Apr 2020

Pagiging component city ng Bataraza, naihain na sa Kongreso

Philippine Information Agency
24 Feb 2020, 22:38 GMT+10

PUERTO PRINCESA, Palawan, Pebrero 24 (PIA) - Naihain na sa Kongreso ng tatlong kinatawan ng Palawan ang panukalang pagiging component city ng munisipyo ng Bataraza na nasa bahaging sur ng lalawigan.

Ang panukalang ito ay ang House Bill (HB) No. 6278 na may titulong 'An Act Converting the Municipality of Bataraza in the Province of Palawan into a Component City to be known as the City of Bataraza,' na inihain nina 1st District Congressman Franz Josef George Alvarez, 2nd District Congresswoman Cyrille Abueg-Zaldivar at 3rd District Congressman Atty. Gil A. Acosta, Jr.

Ang nasabing panukala ay nasa Bills and Index Division na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noon pang Pebrero 12.

Sa kasalukuyan ang Bayan ng Bataraza ay isang 1st class municipality na mayroong Internal Revenue Allotment (IRA) na mahigit sa P300M, may total land area na 726.20 square kilometers, may 22 mga barangay at populasyon na 75,468 base sa 2015 population census ng Philippine Statistics authority (PSA), na sapat sa mga panuntunan na kinakailangan upang ma-convert ito bilang isang lungsod mula sa pagiging munisipyo nito.

Dati itong bahagi ng Bayan ng Brooke's Point, at naging hiwalay na munisipyo ito noong 1964 sa pamamagitan ng Republic Act 3425.

Ang Bayan ng Bataraza ay isa mga munisipyo ng isinusulong na Palawan Del Sur Province ayon sa RA 11259. (OCJ/PIA-Mimaropa)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!