Wed, 01 Apr 2020

Pateros, magtatayo ng pansamantalang pamilihan

Philippine Information Agency
26 Mar 2020, 18:38 GMT+10

PATEROS, March 26 (PIA) - Magtatayo ng isang pansamantalang pamilihang bayan ang Munisipalidad ng Pateros, na itatayo mismo sa harapan ng munisipyo.

Ayon sa pamahalaang bayan, ang pagtatayo ng pansamantalang pamilihan (talipapa) ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga taga Pateros at matugunan ang kakulangan ng pamilihan sa naturang bayan.

Ito rin ay bilang paghahanda ng Pateros sakaling isara ang pamilihan sa katabi nitong lungsod ng Makati dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila at sa buong Luzon bunsod na panganib na dala ng coronavirus disease (COVID19).

Tiniyak din ng lokal na pamahalaan na mahigpit pa rin paiiralin ang social distancing sa mga mamimili.

Kamakailan, nakipag ugnayan din si Pateros Mayor Ike Ponce kay Makati City Mayor Abby Binay upang makapamili sa takdang oras ang mga residente ng Pateros sa Comembo Market sa lungsod ng Makati.

Ang pamilihang bayan ng Pateros ay magbubukas sa darating na Sabado, Marso 28, 2020. (Isang Pateros/PIA-NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!