Tue, 02 Jun 2020

Tulong-pinansyal hatid ng Pasig para sa mga tsuper

Philippine Information Agency
27 Mar 2020, 19:38 GMT+10

LUNGSOD PASIG , Marso 27 (PIA) - Bilang tulong sa mga apektadong tsuper, hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang tulong-pinansyal para sa mga public transport drivers na naapektuhan ng enhanced community quarantine bunsod ng pangambang dala ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang bawat jeepney, tricycle at PUV driver ng lungsod ay makakatanggap ng Php3,000.

"Aabot po sa Php55.5 milyon ang tulong-pinansyal natin para sa 18,500 na mga drivers ng Lungsod Pasig," ani Mayor Vico.

Aniya, ang schedule ng distribution para sa tulong-pinansyal ay mag-uumpisa sa Lunes, Marso 30, 2020.

Pinaalalahanan ni Mayor Sotto ang mga transport drivers na makipag ugnayan sa TPMO o sa mga opisyales ng kanilang asosasyon para sa mga detalye.

Layon ng pamahalaan na matulungan ang mga pansamantalang nawalan ng hanapbuhay dulot ng pinaigting na community quarantine sa mga mamamayan nito. (Pasig City/PIA-NCR)

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!