Tue, 02 Jun 2020

Unang kaso ng COVID-19 sa Marinduque, naitala

Philippine Information Agency
27 Mar 2020, 20:38 GMT+10

TORRIJOS, Marinduque, Mar 3 (PIA) -- Naitala ang kauna-unahang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa probinsya ng Marinduque.

Ito ay matapos kumpirmahin mismo ni Gov. Presbitero Velasco, Jr. na nagpositibo sa COVID-19 ang isang 24 anyos na lalaki na nagmula sa bayan ng Torrijos.Ayon kay Velasco, lumabas ang resulta ng laboratoryo ng naturang pasyente umaga, nitong Marso 23.

Sa travel tracing na ginawa ng Torrijos Municipal Health Office (TMHO), nanggaling ang pasyente sa Paranaque at dumating sa Marinduque noong Marso 12. Ang pasyente ay nakitaan ng sintomas ng COVID-19 at na-admit sa Marinduque Provincial Hospital noong Marso 14.

Sa ngayon ay nasa maayos ng kondisyon ang pasyente at wala nang sintomas ng sakit sa kasalukuyan.

Isinailalim sa mahigpit na home quarantine at tuloy-tuloy pa ring binabanantayan ng Municipal Health Office at Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang pasyente batay na rin sa alituntunin ng Department of Health (DOH).

Samantala, ikinasa na ng munisipalidad ng Torrijos ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng nasabing pasyente upang maagapan ang pagkalat ng virus sa lalawigan. (RAMJR/PIA-Mimaropa)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!