Tue, 02 Jun 2020

P155M inilaan upang palakasin ang kampanya kontra COVID-19 sa BARMM

Philippine Information Agency
31 Mar 2020, 16:38 GMT+10

LUNGSOD NG COTABATO. Mar. 31(PIA) - Naglaan ng abot sa P155 milyon pondo ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mga lokal na pamahalaan nito.

Ito ay upang palakasin ang pagsisikap na mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.

Sa nabanggit na pondo, bawat probinsya ay makakatanggap ng tig P5 milyon samantalang tig P2 milyon naman bawat lungsod.

Dagdag pa dito, ang abot sa 166 na mga munisipalidad sa BARMM ay makakatanggap ng P1 milyon bawat isa habang kabuuang P8 milyon naman ang matatanggap ng 63 barangay ng North Cotabato na nagpasakop na sa Bangsamoro Autonomous Region.

Ayon kay BARMM spokesperson at minister of Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo, ang nasabing halaga ay mula sa BARMM contingency fund na inilaan upang madagdagan ang Local Quick Response Fund (QRF) ng mga lokal na pamahalaan ng BARMM sa paglaban sa COVID-19.

Maliban sa nabanggit na halaga, nauna na ding nagpadala ng inisyal na tulong ang BARMM government sa pamamagitan ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READI-BARMM) sa dalawang COVID-19 referral hospitals sa rehiyon. Ito ay ang Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City at Cotabato Sanitarium Hospital sa Sultan Kudarat, Maguindanao. (With reports from BPI-BARMM)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!