Fri, 03 Jul 2020

Tricycle, balik-pasada na sa Muntinlupa

Philippine Information Agency
26 May 2020, 12:38 GMT+10

LUNGSOD QUEZON, Mayo 26 (PIA) -- Balik operasyon na ang mga tricycle sa Lungsod ng Muntinlupa noong Lunes, Mayo 25 matapos itong payagan ng pamahalaang lokal.

Nagpalabas ng Executive Order No. 15 s.2020 si Mayor Jaime Fresnedi na pinapayagan nang mag sakay ng mga awtorisadong pasahero ang mga tricycle na susunod sa sanitary measures sa gitna ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ang pagbabalik ng operasyon ng mga tricycle sa lunsod ay nirekomenda ng Muntinlupa Traffic Management Bureau at Omnibus Public Transportation Guidelines na aprubado ng Department of Transportation (DoTr) ayon sa Muntinlupa PIO.

Ipatutupad ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) ang odd-even scheme. Ang mga miyembrong may Tricycle Regulatory Unit (TRU) numbers na nagtatapos sa odd digit ay papayagang mag-operate ng Lunes, Miyerkules at Biyernes. Samantalang, ang mga may TRU numbers na nagtatapos sa even digit ay papayagan nang Martes, Huwebes at Sabado.

Ang mga miyembro ng TODA ay hindi papayagan bumiyahe ng Linggo. Maaaring mag operate ang mga tricycle mula 5:00AM hanggang 12:00 Midnight.

Dapat maglagay ng transparent plastic sheet sa pagitan ng pasahero at driver upang maiwasan ang physical contact. Kinakailangan ding i-disinfect ang mga tricycle kahit dalawang beses sa isang araw at dapat mayroong alcohol-based sanitizers.

Isang pasahero lamang bawat tricycle ang papayagan maliban sa emergency cases. Bawat sakay ay magiging "special trip" na hindi lalampas sa Php 25.00.

Ang mga papayagang pasahero ay essential workers, frontliners, workers of allowed industries, at heads of households na bibili ng essential goods. Kinakailangang magpakita ng quarantine pass at valid ID.

Magkakaroon din ng mandatory temperature check sa mga terminal. Kinakailangan ding mayroong disinfecting facility na may sabon at tubig, o sanitizers. Dapat ding may suot na face mask ang mga driver at pasahero sa lahat ng oras.

Magsasagawa ng random inspections ang MTMB-TRU upang masiguro na sumusunod ang mga TODA. Parurusahan ang mga driver na lalabag sa guidelines. (Muntinlupa PIO/PIA-NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!