Mon, 06 Jul 2020

Iwasan munang pumunta sa outpatient dept. ng OsMak

Philippine Information Agency
31 May 2020, 16:38 GMT+10

LUGNSOD CALOOCAN, Mayo 31 (PIA) -- Pinapayuhan ng Ospital ng Makati (OsMak) ang publiko na iwasan munang pumunta sa outpatient department (OPD) ng naturang pagamutan habang may mga kaso pa ng COVID-19 sa bansa upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit.

Payo ng OsMak, tumawag muna sa contact numbers ng ospital mula 8 a.m. hanggang 4:30 p.m. sakaling magpapasya na tutungo doon.

"Para po sa OPD patients na may appointment at may contact number, kayo po ay tatawagan ng aming mga doktor sa araw o mas maaga pa sa inyong appointment," paalala ng OsMak.

"Para po sa OPD patients na may appointment ngunit walang contact number, puwede po kayong tumawag sa aming OPD hotline (02) 8882-6316 local 421, 422, at 429," dagdag pa nito.

Para naman sa mga OPD patient na walang appointment, pinayuhan din ng pagamutan na, "puwede po kayong tumawag sa aming OPD Registration hotline (02) 8882-6316 local 451.

"Para po sa mga walang landline, puwede po kayong mag-text or tumawag sa aming number na 09562517000 (GLOBE) at 09310567558 (SUN)," sabi ng OsMak.

"Ang mga alituntuning ito ay ating isinasagawa upang makaiwas ang lahat sa COVID-19 transmission at upang mapanatili ang inyong kaligtasan" dagdag pa nito.

Magugunitang ang OsMak ay pinatatakbo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na mahigit 20 taon nang nagbibigay ng mahalagang serbisyong medikal sa mga residente at sa publiko. (PIA NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!