Mon, 10 Aug 2020

Mga nakatagong baril at bala ng NPA natagpuan sa Bulan, Sorsogon

Philippine Information Agency
02 Jul 2020, 16:38 GMT+10

Bayan ng Bulan, Lalalwigan ng Sorsogon,, June 27, 2020 (PIA)-Sampung mga matataas na uri ng baril na M16A1 Riffles at karton-kartong mga bala nito ang natagpuan na nakabalot sa isang sakoline ang nadiskubre at narecover ng mga miyembro ng sandataang lakas ng Pilipinas sa Barangay Otavi, sa bayan ng Bulan, lalawigan ng Sorsogon nitong nakaraang ika-27 ng Hunyo 2020 sa ganap na 11:30 ng tanghali.

Ayon sa ipinalabas na pahayag sa media ng 31st infantry (CHARGE) Batallion, 9th infantry (SPEAR) Division ng Philippine Army na naka base sa Barangay Rangas, bayan ng Juban salalawigan ng Sorsogon, ang mga natukoy na mga armas ay pinaghihinalaang gamit ng mga rebeldeng New Peoples Army laban sa mga tropa ng pamhalaan.

Natunton ang naturang mga armas at bala sa pamamgitan ng sumbong ng ilang mga residente ng naturang lugar na mismong nakakita nito at ipinagbigay alam sa hanay ng mga sundalo at kapulisan sa naturang bayan. Sinasabi ayon sa ulat ng AFP Sorsogon na ang naturang mga armas ay maaaring gamit ng mga rebeldeng NPA na umaaligid sa sitio Angas, Barangay Otavi ng bayan ng Bulan.

Sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng 31IB, Bulan Municipal Police Station, 2nd PMFC, PIB Sorsogon, 504th RMFB5, 92ND SAC at SAB ay narecover ang naturang mga armas sa lugar kung saan ito namataan ng mga residente dito.

Dahil sa matagumpay na pagkakakuha sa naturang mga armas, nagpasalamat ang pamunuan ng 31IB sa pamumunoni LTC. Eric H. Culvera sa mga mamamayan ng Brgy. Otavi at sa buong bayan ng Bulan sa tauspusong pakikipag ugnayan sa mga otoridad upang matukoy ang naturang mga armas at bala.

Nanawagan din ang opisyal sa mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar na huwag nang dagdagan pa ang kinakaharap na problema ng bansa at sumuko na lang at isalong na ang kanilang mga armas para makamit ang mapayapang pamumuhay kapiling ang mga mahal nila sabuhay.

Dagdag pa ng opisyal na may nakalaang mga programa ang pamahalaan para sa mga aktibong miyembro ng NPA para sa kanilang pagbabago ng buhay sailalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ngpamahalaan.-( MBAtun/ 1Lt Julieto J. Pollescas (INF)PA)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!