Mon, 10 Aug 2020

Mahigit 4,000 LSIs pauwi na ng probinsya

Philippine Information Agency
05 Jul 2020, 16:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, July 5 (PIA) - Mahigit 4,000 locally stranded individuals (LSIs) ang nakabiyahe na pauwi sa kani-kanilang lalawigan sa ibat ibang bahagi ng Mindanao kahapon.

Ito ay sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program na pinagsamang pwersa ng mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor.

Pasado alas-6 ng umaga ng Sabado, mahaba na ang pila ng mga LSIs na nagpapa-rehistro sa naturang programa sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

Matapos magparehistro, kinailangan din munang sumailalim at mag negatibo sa COVID-19 rapid test ang mga LSIs bago pasakayin sa may 300 nakaparadang bus malapit sa Quirino Grandstand.

Nakaantabay sa lugar ang mga tauhan Philippine National Police na silang magbibigay ng travel authority sa mga nakapasa sa pagsusuri.

Kasama rin ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development para magbigay ng ayuda para sa mga na-cleared na pasahero.

Kaugnay nito, nakatakda naman ngayong araw na makauwi sa pamamagitan din ng Hatid Tulong ang mga LSIs patungo naman sa mga lugar sa Luzon.

Kasama sila sa mga na-stranded sa Metro Manila dahil sa lockdown na ikinasa ng pamahalaan laban sa COVID-19 simula pa noong kalagitnaan ng Marso. (PIA NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!