Fri, 18 Sep 2020

Mga kondisyon sa pag angkas sa motorsiklo, niliwanag ng DILG

Philippine Information Agency
05 Aug 2020, 18:38 GMT+10

DILG Secretary Eduardo Ano (FILE PHOTO)

LUNGSOD CALOOCAN,, Agosto 5, (PIA) - - Sa muling pagsasailalim ng Metro Manila at ilang karatig pook sa Modified Enhanced community Qurantine (MECQ) pinyagan ng pamahalaan ang back riding o pag angkas sa motorsiklo, dahil suspendido ang mga pampublikong sasakyan.

Subalit, niliwanag ng Department of the Interior & Local Government (DILG) ang mga kondisyon na kailangan sundin ukol ditto.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, upang may masakyan kahit papaano ang mga frontliners at mga otorisadong taong puwedeng lumabas (APOR) ay pinayagan na ang motorcycle backriding, ngunit, sa ilalim ng ilang kondisyon.

"Dahil sa prohibisyon ng mass trasportasyon sa ilalim n g MECQ, pinayagan na ang motorcycle backriding para makapasok sa trabaho ang mga tao subalit, kailangan may nakalagay na physical barrier, "pahayag ni Ano.

Kailangan din na ang pasahero ay isang Authorized Person Outside of Residence o APOR at naaayon sa kaniyang trabaho ang pagbiyahe.

"Hindi na kailangang mag-asawa o magpartner. Basta work-related ang lakad at APOR ang pasahero," pahayag ni Ano.

Kailangan din na ang physical barrier ay ayon sa itinakdang disenyo ng National Task Force on COVID-19. Dalawa ang disenyong aprubado ng NTF COVID, isang.gawa ni Bohol Governor Arthur C. Yap at pangalawa naman ay mistulang backpack na isinusuot at nakastrap sa driver na disenyo naman ng Angkas.

Mahalaga din na masunod ang physical distance na isang basic health protocol para mapangalagaan ang kalusugan ng driver at ng pasahero

Kailangan din na pansariling gamit ang motorsiklo at hindi nirentahan.

"Sa madaling salita, bawal pa rin ang Angkas, Joyride at iba pang ride services. Pinapayagan lang namin ito ngayon para makapasok sa trabaho ang mga tao," paglilinaw ni Ano.

Ayon pa kay Ano, binigyan niya ng direktiba ang Philippine National Police na tingnan ang mga katunayan na totoong APOR ang angkas sa motorsiko sa lahat ng checkpoints.

"Kailangan magkaisa tayo sa paglaban sa virus na ito sa ating munting paraan na pagsunod sa mga itinakdang health protocols upang mabigyan natin ng konting pahinga ang pagod na ng mga healthworkers," dagdag ni Ano. (DILG/PIA-NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!