Fri, 18 Sep 2020

Tagalog News: Ikalawang Malasakit Center sa Bulacan, pinasinayaan

Philippine Information Agency
06 Aug 2020, 00:38 GMT+10

LUNGSOD NG MALOLOS. Agosto 5 (PIA) -- Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang ikalawang Malasakit Center na matatagpuan sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa bayan ng Sta. Maria.

Sa mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Gobernador Daniel Fernando kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Lawrence Go sa suporta na ibinigay sa probinsiya.

Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, sinabi ni Go, na birtwal na dumalo sa pagtitipon sa pamamagitan ng Zoom application, na itutulak niya ang mga proyektong pangkalusugan para sa kapakinabangan ng lahat ng Pilipino.

Sinabi rin ng senador na naglaan ang Pangulo ng limang milyong piso na muling mapupunan para sa bagong pasinayang Malasakit Center.

Ang Malasakit Center ay programa ng gobyerno na naglalayong magsilbi bilang one-stop shop ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Social Welfare and Development Office, Philippine Health Insurance Corporation at Department of Health upang mapabilis ang pagbibigay ng medikal na serbisyo at magbigay sa mahihirap na pasyente ng libreng gamot.

Ang unang Malasakit Center sa lalawigan na matatagpuan sa Bulacan Medical Center sa lungsod ng Malolos ay nagbibigay serbisyo sa mga Bulakenyo simula pa noong Disyembre 2018. (CLJD/VFC-PIA 3)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!