Fri, 30 Oct 2020

'Gulayan ni Mercedes', proyekto ng kapulisan sa Camarines Norte

Philippine Information Agency
15 Sep 2020, 20:38 GMT+10

DAET, Camarines Norte, Setyembre 15 (PIA) -- Proyekto ng kapulisan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang organikong pagtatanim ng ibat-ibang uri ng gulay na tinaguriang "Gulayan ni Mercedes".

Ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang gawing mas may kakayahan ang mga tauhan ng Mercedes Municipal Police Station (MPS) ng Philippine National Police (PNP) sa malinis at berdeng programa dahil sa batayan din na ang kapulisan ay hindi lamang para sa pagpapatupad ng batas kundi pwede rin sa agrikultura.

Ayon kay PCPT Arkhemedes C. Garcia, hepe ng MPS Mercedes, layunin ng proyektong mapanatili ang pagtatanim ng mga gulay at turuan ang mga mamamayan na maaari silang magkaroon ng kanilang halamanan ng gulay kahit buhangin ang lupa sa tahanan upang makadagdag sa kakulangan ng pagkain sa panahon na hindi nangingisda.

Aniya, ang "Gulayan ni Mercedes" ay nagpataas din ng kamalayan sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng produktibong paggamit ng mga recycable na basura at materyales.

Dahil sa buhangin ang lupa sa bayan ng Mercedes, ang mga binhing tanim ay inilagay sa mga bag ng semento na mayroong lupa at ito ay nasa likod ng himpilan at sa Tourist Police Assistance Center upang madaling mapangalagaan.

Kapag mapapakinabangan na ang mga gulaying ito ay kanilang gagamitin bilang kunsumo dahil sa bawat pagtatapos ng fishing season ay hindi nakakabili ng murang isda at karagdagan ang gulay sa kanilang pagkain.

Sakaling may mga sobra sa mga aanihing gulay, ito ay ipapamahagi sa mga karatig na tahanan.

Ang bawat pulis ay inatasan na magdala ng hindi bababa sa tatlong mga binhi ng anumang uri ng gulay at nakadepende rin ito sa kagustuhan ng personahe sa kanyang nais itanim. (RBM/ROVillamonte-PIAV/Camarines Norte)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!