Sat, 31 Oct 2020

Banaue police nagtayo ng bahay para sa maralitang pamilya

Philippine Information Agency
28 Sep 2020, 18:38 GMT+10

LAMUT, Ifugao, Sept. 28 (PIA) - - Isang maralitang pamilya ang tinayuan kamakailan ng Banaue Municipal Police Station (MPS) ng disenteng bahay sa tulong ng mga ibang police units at donors.

Pinasiyaan at pormal na ibinigay ang bungalong bahay kay Moses Tabayag, ama ng pamilya sa isang turn-over ceremony sa Chig-chig, Bocos, Banaue na dinaluhan ng mga police at local government officials.

"Maraming salamat sa kapulisan ng Banaue at sa ibang mga donors na tumulong para matapos ang bahay na ito. Ako at ang aking pamilya ay nagpapasalamat ng maraming-marami sa inyong lahat," sabi ni Tabayag na may pitong anak.

Sinabi ni Captain Rodolfo Fateg, hepe ng Banaue MPS na ang pamilyang Tabayag ay benepisyaryo ng kanilang "Bahay ng Kapwa Ko, Sagot Ko" project na bunga rin ng "Adopt a Family" program ng Philippine National Police.

"Noong una ay nagdadalawang-isip ako sa proyekto dahil sa kawalan ng mga resources subalit dahil sa patuloy na pagpapaalala ng aking mga kasamahan ay ipinagpatuloy namin ang proyekto sa pamamagitan ng personal contributions ng mga tropa," paliwanag ni Fateg.

Angmga tauhan niya at ibang mga personnel sa ibang police units ang mismong nagtrabaho at nag-ambag-ambag ng pinansal at iba pang mga materyales. Bukod sa Banaue MPS, tumulong din ang ibang retiradong pulis at mga sibilyan para tapusin nilang matagumpay and proyekto.

Pinuri naman ni PNP-Ifugao Director Colonel David Mariano ang personnel ng Banaue MPS at iba pang mga tumulong sa proyekto. . "Ang programa ng PNP na "Adopt a Family" ay patuloy na ipinapatupad hindi lamang sa panahon ng pamdemya," ani niya. (JDP/MBL-PIA CAR, Ifugao)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!