Sat, 31 Oct 2020

DAR namahagi ng titulo sa pamamagitan ng 'Serbisyong DAR to DOOR'

Philippine Information Agency
29 Sep 2020, 16:38 GMT+10

BENITO SOLIVEN, Isabela, Sept. 29 (PIA) - Personal na iniabot ni Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) John R. Castriciones sa pamamagitan ng Serbisyong DAR to DOOR ang mga titulo ng lupa sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo (ARBs) ng Benito Soliven, Isabela noong Setyembre 17, 2020.

May kabuuang 4,687 na mga titulo ng lupa na sumasakop sa 5,729 ektara na inilipat ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa DAR Provincial Office ng Isabela ang naipamahagi sa parehong araw.

Anim na ARBs dito ang mapalad na personal na nakatanggap ng titulo sa pamamagitan ng Serbisyong DAR to DOOR kung saan, ayon sa kanila ay matagal na nilang inaasam mula sa gobyerno.

Si George Agaloos na mula sa Brgy. Villaluz ay nakatanggap ng dalawang (2) titulo na CLOA na sumasakop sa 2.3359 ektarya. Samantalang si Joseph Cabbab na mula sa Brgy. Danippa ay nakatanggap din titulo sakop ang 2.3710 ektarya at ang panghuli ay mula sa Brgy. Dist I na sina Ferdie Delos Santos- kalahating ektarya, Daina Valdez kulang kalahating ektarya, Daniel Alupay Sr. mahigit dalawang ektarya at Daniel Alupay Jr isang ektarya.

Bago ipamahagi ang nasabing titulo sa mga ARBs, si Castriciones at sampu ng kanyang kasamahan ay ipinaliwanag ang mga karapatan at obligasyon ng isang tatanggap ng Certificate of Land Owership Award (CLOA) o Emancipation Patent (EP).

Sila ay pinaalalahahan na hindi maaring isanla o ibenta ang lupa hanggang sampung (10) taon at babayaran ito hanggang tatlumpung (30) taon sa Land bank of the Philippines (LBP). Kung ito ay mangyayari, maaring kunin muli ng DAR ang lupa at ito ay ipapamahagi sa kwalipikadong ARB. Kailangang din na mag miyembro sa Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) ang isang ARB para makatanggap ng mga karagdagang supporting serbisyo (support services) mula sa DAR.

Ayon kay Ginoong Daniel Alupay Sr. isang dating miyembro ng DAGAMI, "Ito na ang pinamagandang araw sa buhay namin. At ngayon, ako ay nagpapatunay na nakamtan namin ang matagal na naming inasam-asam na tunay na reporma."

Ayon naman sa kaniyang anak na si Daniel Alupay, Jr., "Itong titulo na aming hawak ngayon ay pang habang-buhay na panghahawakan at ito ay aming ipagsalinsalin sa aming mga ank at apo."

Maliban kay Secretary Castriciones nakasama din niya sa pag-iikot para ipamahagi ang mga titulo sina Undersecretary ng Support Services Office Emily O. Padilla, USEC-Policy Planning and Research Office Virginia N. Orogo, USEC-Field Operations Office David D. Erro, Public Assistance and Media Relations Service Director Cleon Lester Chavez, Cagayan Valley Regional Direcctor Samuel Solomero, Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO) Eunomio Jr. P. Israel, MARPO Serafin Bartolome, Governor Rodolfo T. Albano III, Vice-Governor Fautino "Bojie" G. Dy III, Mayor Robert Langan, PRO2 RD PBGen. Crisaldo O. Nieves, Philippine Army Col. Canguilan at iba pa.

"Ang paghihirap ng ating mga ARBs ay nagtapos na. Tulad ng bahaghari na ating nakikita ngayon, ito ay nagsisimbulo ng pag-asa" sambit ni Castriciones bilang pagtatapos ng Serbisyong DAR to DOOR sa Benito Soliven, Isabela. (MDCT/PIA-2)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!