Thu, 03 Dec 2020

Tagalog News: Bagyong Rolly, may banta ng storm surge

Philippine Information Agency
31 Oct 2020, 23:38 GMT+10

LUNGSOD QUEZON, Ika-31 ng Oktubre (PIA) --- Maaring kalmado ngayong umaga ang karagatan pero inaabisuhan ang mga mandaragat sa Mimaropa na ipagpaliban ang pagpalaot hangga't hindi nakakalabas ang bagyong Rolly ng bansa.

Magkakasunod na itinaas ng Department of Science and Technology-Philiippine Atmospheric, Geophysical and Astonomical Services (DOST-PAGASA) ang Tropical Cyclone Winds Signal No 1 sa mga probinsya ng Mindoro (Oriental at Occidental), Marinduque at Romblon.

Kapag mayroon nang babala ng bagyo (TCWS) sa isang lugar, wala nang byahe sa dagat gaya nung nangyari sa pagdaan ng Bagyong Quinta kamakailan.

Batay sa forecast ng DOST-Pagasa, may 500 km. ang lapad ng Bagyong Rolly na inaasahang daraanan ng mata nito sa dako ng General Nakar, Quezon sa gabi ng Nobyembre 1.

Hindi man direktang madadanaan, maaring mahagip ang mga nasabing lalawigan sa pag-ikot ng hangin ng bagyo dahil nasasaklaw ang mga ito sa apa (track o pagdaan) ng Bagyong Rolly.

Sa mga lalawigan nasa ilalim ng TCWS No. 1, ang mga karagatan nasasakupan nito ay magiging maalon hanggang sa napaka-alon, na posibleng umabot sa taas na 15 metro.

Samantala, maaaring magdudulot ang Bagyong Rolly ng dalawang metrong taas na storm surge sa mga baybayin ng Marinduque, Aurora, Kabikulan at Northern Samar.

Una rito, hinikayat ng OCD Mimaropa ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na maaring bahain, pangyarihan ng pagguho ng lupa o kaya abutin ng daluyong o storm surge.

Sa memorandum na ipinalabas ni OCD Regional Director Ruben Caradang, bahagi ito ng pagproproteksyon sa buhay ng mga mamamayan at maging ng mga responder na aalalay sa pagsagip.

Bukod dito, inaasahan din ni Director Carandang na ipapatupad ng mga awtoridad (lokal na pamahalaan at mga tauhan ng Philippine Coast Guard) ang "no sail policy" o walang byaheng pandagat sa mga lalawigang mayroon nang TCWS o babala ng bagyo. (LP/PIAMIMAROPA)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!