Tue, 26 Jan 2021

Takbo ng mga tren sa MRT-3, mas pabibilisin pa sa Disyembre

Philippine Information Agency
25 Nov 2020, 20:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, Nov. 25 (PIA) -- Mas pabibibilisin pa ang takbo ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, ayon sa ulat ng Radyo Pilipinas 738 kHz.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, itataas pa sa 60 kilometers per hour ang bilis ng mga tren mula sa kasalukuyang 50km/h.

Ayon sa MRT-3, ang pagbilis ng takbo ng mga tren ay dulot ng pagpapalit ng mga bagong riles sa linya sa ilalim ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Sa bilis ngayon ng takbo ng mga tren nito na 50km/h, nagiging mas komportable na ang biyahe ng mga commuters, kumpara noong tumatakbo pa ito sa 40km/h.

Mas marami na rin ang tumatakbong tren, na umaabot sa 20 tuwing peak hours, kaya't mas marami na ang naisasakay, paliwanag nito.

Sa kasalukuyan, nasa 372 pasahero kada train set o 124 na pasahero ang isinasakay ng MRT-3 kada bagon.

Nabawasan din ang headway o oras sa pagitan ng mga tren, mula walo hanggang 9.5 minuto sa apat hanggang limang minuto na lamang. Dahil dito, mas napaiksi ang waiting time ng mga pasahero. (PIA NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!