Tue, 26 Jan 2021

Pagpapatupad ng minimum health protocols sa Divisoria, paiigtingin

Philippine Information Agency
25 Nov 2020, 21:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 25, (PIA) --Nagpulong ang mga kawani Manila Police District (MPD), Manila Barangay Bureau (MBB) kahapon, Martes, ika-24 ng Nobyembre para mapaigting ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa Divisoria.

Ito'y matapos lumutang sa social media noong Sabado ang mga larawan ng mga mamimili na halos dikit dikit na at walang pakundangan sa ipinatutupad na health protocols upang makaiwas sab anta ng COVID-19.

Kabilang sa nasabing pagpupulong ang mga Precint Commanders at mga Punong Barangay na nakakasakop sa Divisoria, Maynila.

Ipinag-utos ni MPD Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) Chief Major Rosalino P. Ibay, Jr. ang pagpapatupad ng physical distancing at ang pagkakaroon ng 'One Entrance, One Exit' policy sa mga pamilihan.

Inatasan naman ni MBB Director Romeo Bagay ang bawat Punong Barangay na magtalaga ng mga kawani upang mapanatili ang kaayusan at magpaalala na magsuot ng face mask at face shield sa mga vendors at mamimili.

Paiigitingin din ang presensya ng mga enforcers mula sa Manila Traffic and Parking Bureau upang mapanatiling maaliwalas at maluwag ang mga daan, lalo na sa gitna ng Kapaskuhan. (MPIO/PIA-NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!