Tue, 26 Jan 2021

Mataas na uri ng baril at pampasabog nakumpiska sa bayan ng Baggao

Philippine Information Agency
04 Dec 2020, 19:38 GMT+10

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Dec. 3 (PIA) - - Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan mula sa Criminal Investigation and Detection Unit Region 2 at mga kasundaluhan mula sa 77th Infantry Battalion, Philippine Army ang iba't-ibang klase ng matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog sa Barangay Carupian sa bayan ng Baggao.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga otoridad ang tahanan ng suspek na si Isabelo Adviento na gumagamit ng mga alyas Buting, Buth, Yc, Bom, Resty, Belen At Jorly, 55 na taong gulang.

Nasamsam sa kaniyang tahanan ang dalawang Uzi Caliber 9mm, dalawang rifle grenade, mga bala, isang granada, at isang improvised explosive device.

Ayon sa pulisya, si Adviento ay hindi nadakip dahil wala siya sa kanilang tahanan ng isilbi ang serach warrant.

Samantala, isinunod din na hinalughog ang tahanan ni Amanda Socorro Echanis na gumagamit ng mga alyas na Waya at Julian, 32 taong gulang.

Nakuha sa kanilang tahanan ang M16 assault rifle, isang plastic magazine para sa M16, isang long steel magazine para sa M16 rifle, mga bala, at dalawang granada.

Nasa kustodiya ngayon ng CIDG si Echanis matapos itong dakpin ng mga otridad, gayonman, nilinaw ng pulisya na hindi kasamang inaresto ang bata na anak ni Echanis.

Desisyon umano ng suspek na dalhin ang kanyang anak dahil ilang buwan palamang ito at breasfed pa, gayonman, nakikipagugnayan an ang kapulisan sa DSWD para sa tamang pangangalaga sa sanggol ni Echanis.

Ayon naman sa ulat ng kasundaluhan, si Echanis ay pinaghihinalaang finance officer ng grupo ng New Peoples Army na nag-o-operate sa probinsiya ng Cagayan.

Sa pahayag ni 5th Infantry Division Commander Laurence Mina ang pagkakadakip kay Echanis ay makakaapekto sa operasyon ng mga NPA sa probinsiya. Malaking bagay din itp aniya sa pagkamit sa adhikain ng pamahalaan na wakasan ang armadong pakikibaka ng mga rebeldeng group. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!