Tue, 20 Apr 2021

Pasig City, namahagi ng learning kits sa 5,000 daycare center student

Philippine Information Agency
25 Feb 2021, 08:38 GMT+10

PASIG CITY, Peb. 25 (PIA) -- Namahagi ng learning kits ang Pamahalaang Lungsod Pasig para sa may 5,000 batang mag-aaral na naka enroll sa mga barangay daycare center.

Pinangunahan ang pamamahagi ng mga learning kits ng mga daycare teachers sa ilalim ng Pasig Social Welfare Department - Early Childhood Care and Development Unit.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mahigit 5,000 na mga daycare learners ang nakatanggap ng naturang learning kits.

"Distribution of learning materials for our 5,851 daycare students. Hirap tayo dahil bawal ang face to face. Pero gagawin natin ang lahat para 'di tumigil ang edukasyon ng mga kabataan," ani Mayor Sotto.

Napag-alaman na bumaba ng kaunti ang enrollment, mula sa 6,514, dahil umano sa pandemya.

Idinagdag pa ng pamahalaang lungsod na naipaabot din sa mga magulang at guardians ang school supplies at modules na magagamit ng mga bata para sa kasalukuyang school year. (PIA NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!