Tue, 20 Apr 2021

Tagalog News: Ligtas na bakuna sa COVID-19 para sa mga pinoy, tiniyak

Philippine Information Agency
26 Feb 2021, 17:38 GMT+10

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 26 (PIA) -- Tiniyak ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Ramon L. Cualoping III na walang Pinoy ang mababakunahan ng hindi ligtas at hindi epektibong bakuna para sa COVID-19.

"Uulitin ko po, hinding-hindi po namin hahayaang may isang Pilipino na matuturukan ng bakunang hindi safe, o hindi man lang effective", Ito ang pahayag ni DG Cualoping sa isinagawang Town Hall Meeting kaugnay ng COVID-19 Vaccine Roll-out ngayong umaga, na pinangunahan ng PIA-Mimaropa at Department of Health (DOH)-Mimaropa.

Ayon kay DG Cualoping, paparating na ang mga bakuna, at target ng pamahalaan na mabakunahan ang kahit man lang 70 porsiyento ng populasyon ng bansa upang magkaroon ang mga ito ng panlaban sa COVID-19.

Umaasa rin si DG Cualoping na sa nalalapit na hinaharap ay magkakaroon rin tayo ng mas malusog na Pilipinas. Aniya, tayo pa rin ang solusyon kaya't ipagpatuloy lang ang pag-gamit ng mask, pag-iwas sa mga siksikan at matataong lugar, ang palagiang paghugas ng kamay at ang pagpapabakuna ng lahat.

Pinasalamat din nito ang lahat ng frontliners sa kanilang walang humpay na pagtatrabaho at walang sawang pagserbisyo sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya.

Nanawagan na rin si DG Cualoping sa mga Pilipino na magpabakuna upang maging ligtas sa COVID-19. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!