Wed, 23 Jun 2021

Tagalog News: DSWD-NCR namahagi ng food packs sa nasunog na PGH

Philippine Information Agency
18 May 2021, 16:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 18 (PIA) -- Namahagi ang Department of Social Welfare and Development National Capital Region (DSWD-NCR) ng family food packs sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa pangunguna ng Disaster Response Team ng DSWD-NCR, 50 piraso ng family food packs at ilang non-food packs ang naibahagi sa PGH para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa ospital.

Magugunitang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng pay ward ng PGH pasado hatinggabi ng Linggo, ayon sa tagapagsalita nito.

Wala namang casualty sa insidente, ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario.

Nagdeklara ng fireout ang mga bombero alas-5:45 ng umaga nitong Linggo, dagdag niya.

Nasa 80 to 90 porsyento naman ng mga pasyente ay inilikas, kabilang ang mga COVID-19 patients, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Kugnay nito, pansamantalang isasara ang emergency room ng PGH dahil dito dinala ang ilang pasyenteng inilikas, ani Del Rosario.

Naihiwalay ang mga COVID-19 patient sa mga non-COVID patients, dagdag ni Del Rosario.

Nasunog ang parte ng ikatlong palapag ng ospital na may mga operating rooms, ayon kay Fire Senior Insp. Hector Agadulin, chief of operations ng Manila Fire Department.

Samantala, nanawagan din ang PGH ng tulong para sa mga donasyon kaugnay ng naganap na sunog nitong Linggo ng madaling araw. (PIA NCR)

More Manila News

Access More

Sign up for Manila News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!